MPD nagpatupad na rin ng Comelec gun ban, doble kayod sa paninita sa mga checkpoint

MPD nagpatupad na rin ng Comelec gun ban, doble kayod sa paninita sa mga checkpoint

Nagsimula na ring magpatupad kaninang madaling araw (12 a.m., 09 January 2022) ng Comelec election gun ban ang Manila Police District (MPD) kung kaya’t doble kayod ang kapulisan sa paninita’t pagiinspeksyon sa mga nagdaraang sasakyan lalo na ang mga motmot (motorsiklo).

Nagpapakita ang mga larawan sa itaas at ibaba ng miyembro ng Manila’s Finest (MPD) na nasa kasagsagan ng paninita sa mga dumaraang motorista sa kanilang itinayong checkpoint sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa pagitan ng Maynila at Pasay City.

Ang gun ban ay isang hudyat sa nalalapit na national at local election partiklar na sa May 9, 2022. Ito’y magtatapos sa June 8, 2022.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply