Sen. Pacquiao nabahala sa paglobo ng mga kaso at lokal na transmisyon ng Omicron

Sen. Pacquiao nabahala sa paglobo ng mga kaso at lokal na transmisyon ng Omicron

Sen. Manny Pacquiao

Ni Tracy Cabrera

MANILA — Hinigpitan ng mga awtoridad ang pagpatupad sa health protocols partikular na sa mga hindi pa bakunado habang nagpahayag si Senator at presidential aspirant Manny Pacquiao sa paglobo at mabilis na paglaganap ng Covid-19 na pinaniniwalaang sanhi ng lokal na transmisyon Omicron variant.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng pagbigay ng opinyon ng isang infectious disease expert na naniniwalang mayroon nang community transmission ng Omicron.

Dahil dito, nanawagan sa publiko ang PROMDI presidential aspirant na manatiling kalmado subalit mapagmatyag sa kaganapan ngayon sa sitwasyong pangkalusugan.

Idinagdag pa nito na kung may pagkakataon ang mga taong walang bakuna ay pumasyal na sa kani-kanilang barangay health centers at magpatala na upang maturukan ng bakuna o booster.

Dahil sa taas ng kaso ng Covid, inilagay na ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases, inilagay ng ahensya sa Alert Level 3 ang buong Kamaynilaan at mga probinsya.

Pinagaaralan din ng IATF-MEID kung iaaakyat pa ito sa Alert Level 4 sa mga susuod na araw.

Nitong Sabado ay nakapagtala ang DOH ng mahigit sa 26K na kaso ng Covid.

(ai/mtvn)

Leave a Reply