Kaso ng Covid humataw sa 33K+

Kaso ng Covid humataw sa 33K+

Ni Amado Inigo

MANILA — Lalo pang humataw ang mga kaso ng Covid sa bansa matapos mag-ulat ang Department of Health ng mahigit sa 33K mga bagong infections, at bagong single-day high record sa bansa.

Ngayong alas-4 ng hapon Enero 10, 2022, inulat ng Department of Health na mayroon itong naitalang 33,169 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Sa kabilang banda, mayroon namang 3,725 na naitalang gumaling at 145 na binawian ng buhay dahil sa Covid.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (157,526) ang aktibong kaso, 93.0% (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74% (52,293) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 6.2% sa lahat ng samples na naitest at 6.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

At dahil diyan, pinapaalalahanan mahigpit ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Ayon naman sa iba pang Covid watchers, ang naturang bilang ngayong araw ay maaaring doble pa sa opisyal na deklarasyon ng DOH kung ang lahat ng may karamdaman sa buong kapuluan ay isasama.

Karamihan ngayon ay nakaself-quarantine at self-medication ang ginagawa kung kaya’t nagkakaubusan ng gamot sa mga botika ngayon.

(ai/mtvn)

Leave a Reply