Mga nais magpabakuna dagsa sa Tondo, Maynila

Mga nais magpabakuna dagsa sa Tondo, Maynila

Dumagsa ang mga residente ng Maynila sa isinagawang bakuna ng Sinovac at Pfizer ng 1st dose, 2nd dose at para sa mga menor de edad (12 hanggang 17 taong gulang) pati na rin ang mga nagpa-turok ng booster shots mula sa A1, A2, A3, A4, A5 categories.

Ginanap ang vaccination operation sa Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Barangay 6 Zone 1 District 1 sa San Nicolas Zamora sa Tondo, Maynila nitong Lunes, Enero 10, 2022.

Lalong dumami ang nais magpabakuna matapos i-anunsyo ng gobyeno na bawal lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply