2nd highest single-day Covid cases naitala

2nd highest single-day Covid cases naitala

Ni Amado Inigo

MANILA — Naitala ngayong alas-4 ng hapon (Enero 12, 2022) ng Department of Health ang pangalawang pinakamataas na single-day high na kaso ng Covid sa 32,246 na pinaniniwalaang dulot ng Delta at Omicron variants.

Ang naturang bilang ay bahagya lamang na mas mababa sa 33K+ na naitala ng DOH noong Lunes.

Samantala, mayroon namang naitalang 5,063 na gumaling at 144 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (208,164) ang aktibong kaso, 91.5% (2,797,816) na ang gumaling, at 1.72% (52,654) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 10, 2022 habang mayroong 11 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 11 labs na ito ay humigit kumulang 3.3% sa lahat ng samples na naitest at 4.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay ayon sa DOH.
Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.
(ai/mtvn)

Leave a Reply