30 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Recto

30 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Recto

Mahigit sa 20 bahay at 30 pamilya ang nawalan ng kabahayan, matapos sumiklab ang sunog dito sa bahagi ng tulay ng Estero De Lazaro sa Recto at Luzon St, na nasasakupan ng Barangay 313 at 263, Manila. Nasa creek ito na may isang tulay ito na may mga kabahayan sa gilid ng Estero DeLazaro.
Ayon sa mga naka saksi sa naturang sunog, nagsimula daw ito sa kaliwang bahagi ng tulay, sa ikalawang palapag ng bahay at itoy tumawid sa kabilang side naman ng tulay kung kayat natupok ang iba pang kabahayan.
Tumagal ang naturang sunog ng isang oras at kalahati, na umabot sa ikalawang alarma. Dahil karamihan sa gamit sa bahay ay gawa sa light materials mabilis na kumalat ang apoy ngunit, wala namang napaulat na casualties sa nangyaring sunog.
Ang mga residenteng nasunugan ay pansamantala munang namamalagi sa gilid ng kalsada dito sa kahabaan ng Recto at Luzon St. Ang sunog ay under control na ng Bureau of Fire Protection pasado 4:55 ng hapon, Patuloy parin ang investigation kung ano nga ba ang pinagmulan ng sunog.
(JHUN MABANAG/ B. CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply