Bagong single-day high record ng Covid naitala nitong Huwebes

Bagong single-day high record ng Covid naitala nitong Huwebes


MANILA — Nakapagtala ang Department of Health ngayong araw, Huwebes, 13 January 2022 ng bagong single-day high record na 34,021 na karagdagang kaso ng COVID-19, mas mataas ng mahigit isang libo sa dating record na 33,060 noong nakalipas na Lunes.
Samantala, mayroon namang naitalang 4,694 na gumaling at 82 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (237,387) ang aktibong kaso, 90.6% (2,802,286) na ang gumaling, at 1.71% (52,736) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 11, 2022 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 5.0% sa lahat ng samples na naitest at 6.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.
Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.
(ai/mtvn)

Leave a Reply