“No vaccine, No entry” sa Caloocan

“No vaccine, No entry” sa Caloocan

Nagsagawa ng random inspection ang mga kawani mula sa Caloocan City Public Safety and Traffic Management Department upang tiyaking naipatutupad ang kanilang Ordinance No. 0959 Series of 2022, kung saan mahigpit na ipinapatupad sa mga pampublikong lugar at mga establisyemento sa lungsod ang “No Proof of Vaccination, No Entry” policy.

Sa entrance pa lamang ng mga establisyemento, tinitingnan na ang mga vaccination card ng bawat pumapasok na indibidwal kasabay ng pagkuha ng body temperature, pag-fill out ng health declaration form o pag-scan ng StaySafe.ph QR code. (Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply