Southbound portion ng Roxas Blvd isinara, pagaayos ng sirang culvert sisimulan na

Southbound portion ng Roxas Blvd isinara, pagaayos ng sirang culvert sisimulan na

Isinara na ang southbound portion ng Roxas Boulevard nitong Sabado upang bigyan daan ang pag-aayos ng sirang drainage box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harap ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.

Gagawin ang pag-aayos sa box culvert sa southbound lane ng Roxas Boulevard, sa harap ng HK Sun Plaza sa Pasay City patungo sa flyover ng EDSA-Roxas Boulevard.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nagdeploy ng traffic enforcers sa lugar para magmamando sa daloy ng trapiko at gabayan ang mga apektadong motorista at truckers.

Naglatag naman ang MMDA ng zipper lane at alternatibong ruta pansamantala.

Ayon sa DPWH, tatagal ng 60 araw ang pag-aaayos ng drainage box culvert sa southbound habang 60 araw naman para sa northbound.

(KIara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply