Covid cases muling bumalikwas sa 37K+

Covid cases muling bumalikwas sa 37K+

MANILA — Muling sumipa ang mga kaso ng coronavirus ngayong Lunes, 17 January 2022 matapos ang konting pagbaba sa 15,000 ng mga kaso noong Linggo, 16 January 2022.

Ayon sa Department of Health, nakapagtala muli ang bansa ng 37,070 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes bagama’t may naitalang 33,940 na gumaling at 23 na pasyenteng pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (290,938) ang aktibong kaso, 89.4% (2,898,507) na ang gumaling, at 1.63% (52,929) ang namatay.

Ang buong cummulative caseload ng bansa ay umabot na sa 2.3 million.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 15, 2022 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 labs na ito ay humigit kumulang 5.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang DOH site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(AI/MTVN)

Leave a Reply