PH Covid cases bahagyang bumaba

PH Covid cases bahagyang bumaba

Ni Amado Inigo

MANILA — Ngayong alas-4 ng hapon, Enero 19, 2022, naitala ng Department of Health ang 22,958 na karagdagang kaso ng COVID-19, 36,611 na gumaling at 82 na pumanaw.

Kamakalawa, ay naiulat ng DOH ang mas mataas na bilang na 28,471 ng mga bagong kaso ng Covid.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nitong Miyerkules, 8.2% (270,728) ang aktibong kaso, 90.2% (2,969,853) na ang gumaling, at 1.61% (53,044) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 17, 2022 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest.

Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang pampublikong site ng DOH: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ai/mtvn)

Leave a Reply