Kaso ng Covid sa bansa ngayong Biyernes mataas pa rin

Kaso ng Covid sa bansa ngayong Biyernes mataas pa rin

Ni Amado Inigo

MANILA — Mataas pa rin ang bilang ng mga bagong kaso ng Covid ang naitala ng Department of Health ngayong alas-4 ng hapon ng Biyernes (Enero 21, 2022).

Ang Department of Health ay nakapagtala ng 32,744 na karagdagang kaso ng Covid habang mayroon namang naitalang 16,385 na mga gumaling at 156 na binawian ng buhay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.7% (291,618) ang aktibong kaso, 89.7% (3,012,156) na ang gumaling, at 1.59% (53,309) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 19, 2022 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat na ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Sa oras na makaramdam ng sintomas, pinapayuhan ang lahat na agad na MAG-ISOLATE at magpatest.

Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19 pahayag pa ng DOH.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang kanilang pampublikong site sa http://www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ai/mtvn)

Leave a Reply