Covid cases bahagyang bumaba; recoveries 41K+

Covid cases bahagyang bumaba; recoveries 41K+

MANILA — Bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng Covid-10 ngayong alas-4 ng hapon ng Sabado (Enero 22, 2022).

Ayon sa Department of Health ay nakapagtala ang ahensya ng 30,552 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngunit mayroong malaking bilang ng mga gumaling na 41,471 at 97 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.3% (280,619) ang aktibong kaso, 90.1% (3,053,499) na ang gumaling, at 1.58% (53,406) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 20, 2022 at lahat din ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Sa oras na makaramdam ng sintomas, agad na mag-isolate at magpatest. Tandaan ang right test at the right time.

Hinimok din ng DOH ang lahat na agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(ai/mtvn)

Leave a Reply