Publiko hinimok ni Pacquiao na sumunod pa rin sa health protocols kahit bakunado pa

Publiko hinimok ni Pacquiao na sumunod pa rin sa health protocols kahit bakunado pa

Si Senator at PROMDI standard-bearer Manny Pacquiao. (Larawan mula sa Christian Today)

MANILA — Kasunod ng babala mula sa vaccine expert panel ng gobyerno ukol sa lumalaganap na kapabayaan ng mga bakunadong indibiduwal sa pagtupad ng mga health safety protocols, hinimok ni PROMDI presidential aspirant Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang publiko na isaalang-alang ang kanilang kalusugan at iwasang ang pagbabalewala sa mga polisiya ng pagsusuot ng face mask at pagsunod na rin sa social distancing.

Ito ang naging reaksyon ni Pacquiao makaraang paalalahanan ng chairman ng vaccine expert panel na si Dra. Niña Gloriana yaong mga bakunado na o nakapagpa-booster na ukol sa posibilidad na magkaroon pa rin sila ng impeksyon mula sa severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 o SARS-CoV-2, lalo na dahil sa presensya ng mas nakakahawang Covid-19 Omicron variant.

Hinayag ni Pacquiao na nakakatanggap ang kanyang kampo ng mga ulat ukol sa maraming pagkakataon na may mga kababayan nating dumadalo sa iba’t ibang aktibidad tulad ng mga pagdiriwang, selebrasyon, pagtitipun-tipo o kasiyahan na kung saan nakakalimutan bilang mag suot ng proteksyon tulad ng face mask at nagkakadikit-dikit sila na bawal sa polisiya ng physical distancing.

“Iyong bakuna ay proteksyon para hindi tayo dapuan ng severe infection kaya puwede pa rin tayong mahawaan ng sakit. Mas mabuti nang maging maingat tayo at huwag nating kalimutan ang pinapatupad na mga protocol para matiyak natin na hindi tayo magkakaroon ng Covid-19, lalo na dahil sinasabi na iyong Omicron ay sobrang nakakahawa at kahit naka-face mask ay maaari tayo magka-impeksyon,” wika ng senador.

Binanggit din niya ang babala ni Gloriani ukol sa obserbasyon ng mga viral expert na nagbigay indikasyon sa muling pagkakasakit ng mga nabakunahan na at maaaring dahil ito sa pagkalat ng Omicron variant.
“Napatunayan na sa maraming pag-aaral na nakakapagbigay ng proteksyon ang available na mga bakuna kontra Covid-19 pero hindi ito 100 porsyento dahil may mga instansiya na nagkakaroon ng breakthrough infection,” naunang pinunto ng vaccine expert panel.

“Mayroong nadi-develop na natural immunity o karagdagang proteksyon ang isang fully vaccinated na nagkaka-Covid pa rin dahil natural na tumaas ang immunity ng isang indibiduwal na nagkakasakit. Pero hindi dapat sadyain ng sinuman na i-expose ang sarili sa mga pasyenteng may Covid-19 para lang magkaroon ng natural immunity sa virus,” paglilinaw ni Gloriani.

Dito mariing inulit ni Pacquiao ang kanyang apila at kahilingan sa mamamayan na maging mapagmatiyag sa paninigurong ligtas sila at ang kapakanan ng kanila mga mahal sa buhay ay lagi ni lang isinasaalang-alang sa pamamagitan ng pagsunod sa itinakdang mga health safety protocol, polisiya at restriksyon at huwag dung kalimutang manalangin at manampalataya sa pangangalaga ng Diyos.

“Tandaan po natin ang kasabihan na” nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa” dahil tayo po ang mayvresponsibilidad sa ating kalusugan at kailangan nating gamit in ang talinong I binigay sa atin ng Panginoon para mabuhay tayo ng matiwasay at ligtas sa mga karamdaman. Manalangin po tayo palagi at manampalataya sa Kanya,” idiniin ng Pambansang Kamao, na Isa ring Kristiyanong pastor, bilang konklusyon. (ai/mtvn)

Leave a Reply