DOH nakapagtala ng P29K+ na bagong kaso ng Covid

DOH nakapagtala ng P29K+ na bagong kaso ng Covid

Ni Amado Inigo

MANILA — Naitala ng Department of Health ngayong alas-4 ng hapon ng Linggo, (Enero 23, 2022), ang Department of Health ay nakapagtala ng 29,828 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 36,763 na gumaling at 67 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.0% (273,580) ang aktibong kaso, 90.4% (3,090,164) na ang gumaling, at 1.56% (53,472) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 21, 2022 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang (2) labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Nagbigay babala rin ang DOH na sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang pampublikong site ng ahensya na http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(ai/mtvn)

Leave a Reply