P5-M+ kantidad ng Ecstacy tablets mula Netherlands nasabat sa QC

P5-M+ kantidad ng Ecstacy tablets mula Netherlands nasabat sa QC

MANILA — Nasabat sa pamamagitan ng Controlled Delivery Operation ang may 3,034 na piraso ng MDMA o Ecstacy party drugs dakong alas-6 ng gabi ng Sabado, Enero 22, 2022, sa kahabaan ng Philand Drive, Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City.

Ang drug ops ay sinalihan ng pinagsanib pwersang mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency RO3 na pinamumunuan ni Regional Director Bryan Babang, PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA-Zambales PO, PDEA Region 3, RSET, PDEA-NCR QCDO, PNP-QCPD, Police Station 3 (Talipapa) at PS 14 (Pasong Tamo) at Bureau of Customs, Port of Clark.

Batay sa report ni RD Babang kay PDEA Director-General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga naaresto na sina Evelyn Sotto, a.k.a. Jennica Abas; at Genevie Abas na kapwa nakatira sa 66 Agno St. Barangay Tatalon, QC.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang pakete na naglalaman umano ng 3,034 tablets ng MDMA (Ecstacy) na may street value na P5,157, 800.

Ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyong ipinadala ng Shenzen Chinese Customs sa PDEA-ICFAS tungkol sa isang partikular na pakete mula sa Netherlands na maaaring naglalaman ng mga ilegal na droga.

Sa pagsusuri noong Enero 20, 2022, natagpuang nakatago sa interlayer ng karton ng pakete ang ilang tableta ng pinaghihinalaang MDMA (Ecstacy) kung kaya’t di kalauna’y inilatag na ang entrapment operation. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply