ULAT PANAHON: BICOL, VISAYAS AT MINDANAO PUNTIRYA NG LPA

ULAT PANAHON: BICOL, VISAYAS AT MINDANAO PUNTIRYA NG LPA

Ni Arwen Pascua

MANILA — Isang Low Pressure Area (LPA) ang inaasahang magpapaulan sa mga rehiyon ng Bicol, Visayas at Mindanao ngayong araw, Martes, 25 January 2022.

Ang naturang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Talacogon, Agusan del Sur, Mindanao.

Sa bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-3 ng madaling araw kanina, apektado ng LPA ang nasabing lugar.

Ang LPA ang magiging sanhi ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol region, Visayas at Mindanao. (ai/mtvn)

Habang ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng pulo-pulong mahinang pag-ulan dahil naman sa umiiral na Amihan.

Sumikat ang araw alas-6:25 kanina at lulubog alas-5:52 ng dapithapon.

Leave a Reply