Basurero patay sa pananaksak, selos sa kelot na kainuman

Basurero patay sa pananaksak, selos sa kelot na kainuman

Patay ang isang basurero na si Juancho Diego sa harap ng NFA Visayas Avenue, Quezon City matapos tadtarin ng saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan dahil sa selos ng suspek sa kainuman nitong babae. Ayon sa ilang saksi, habang nag-iinuman ang tatlo umalis ang suspek na Cristo Orano panandali sa inuman at nang ito ay bumalik inundayan agad ng saksak ang biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan. Masuwerte namang nakatakbo ang babaeng pinagselosan at nadakip agad ang suspek ng mga tanod na nagkataong rumoronda sa lugar. (Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply