Bilang ng Covid-19 infections bahagya pang umangat nitong Biyernes

Bilang ng Covid-19 infections bahagya pang umangat nitong Biyernes

MANILA — Bahagya pang tumaas ang mga bagong kaso ng Covid-19 nitong Biyernes (Enero 28, 2022).

Ayon sa report ng Department of Health ng dakong alas-4 ng hapon ng Biyernes ay nakapagtala ng 18,638 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang bansa, 13,106 na mga gumaling at 68 na pumanaw.

Kumpara sa nakalipas na araw ng Huwebes, mas mataas ng 447 na infections ng coronavirus ang naitala ng ahensya sa mga bagong kaso Covid-19 na pinaniniwalaang dominado ng ng bagong Omicron variant.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (231,658) ang aktibong kaso, 91.9% (3,226,032) na ang gumaling, at 1.53% (53,801) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 26, 2022 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Ayon pa sa DOH, “sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”

Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang pampublikong website ng DOH: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker. (ai/mtvn)

Leave a Reply