Suweldo ng alkalde ng Navotas ipinamahagi bilang ayuda sa mamamayan

Suweldo ng alkalde ng Navotas ipinamahagi bilang ayuda sa mamamayan

Makikitang tumatanggap ng ayuda ang mga mamamayan ng lungsod ng Navotas mula sa donasyong suweldo ng kanilang alkalde para sa mga walang natanggap na Social Amelioration Program o anumang ayuda mula pa noon.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang validation ng mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office CSWDO sa mga dokomentong dala ng mga benepisyaryo.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco sa Department of Social Welfare and Development tungkol sa SAP 2nd tranche at kulang na P3,000 sa mga beneficiaries.

(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply