Huli ang tatlong kalalakihan matapos makatangap ng infotext and pulisya ukol sa mga gumagawa diumano ng mga pekeng vaccination cards sa Quiapo, Maynila.
Matapos maipakonpirma ni Lt.Col. Ramon Nazario ng Manila Police District Barbosa Station 14 ang nasabing bawal na aktibidad, ay agad na ikinasa ang entrapment operation.

Nasabat ng kapulisan sina Rafael Cayabyab 41, may-ari ng Lakay Printing Services; Samil Asmadi, 23, helper; at Ricardo Lugtu, 25, lay-out artist.
Ayon sa pulisya, P500 hanggang P700 ang singilan kapag “rush” at P150 naman kapag regular order lamang ang pagpagawa ng vax card.
Pinaalalahanan ng pulisya na maaaring makulong pati na ang sinumang mahulihan na may dala ng mga pekeng vaccination cards at iba pang kawangis na dukomento gaya ng antigen o RT-PCR tests.
(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)