Bagatsing pinanukalang higpitan ang coastal area ng Maynila upang ‘di makalusot ang illegal drugs

Bagatsing pinanukalang higpitan ang coastal area ng Maynila upang ‘di makalusot ang illegal drugs

Si dating Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing

Akda ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Ayon kay dating Manila Fifth District Representative Amado Bagatsing, na solong tumatakbo sa pagkaalkalde sa lungsod na ito, dapat higpitan ang coastal areas ng bansa lalo na ang sa Maynila upang masawata ang pagpasok ng mga illegal drugs sa National Capital Region.

Ayon kay Bagatsing, gagawin niya itong prayoridad ng kanyang pamunuan sakaling siya ay mahalal sa pagka-alkalde ng lungsod at gagawing bilang isang programang tututok at magmamanman sa mga coastal areas upang hindi makalusot ang illegal drugs sa Maynila.

Hindi gaya ng kanyang mga kalaban ngayong parating na halalan, si Bagatsing ay walang kasamang kandidato sa pagka-vice mayor.

Naniniwala aniya siya na sa pamamagitan ng coastal areas ng Maynila at sa iba pang karatig-lalawigan ang siyang ginagawang lagusan at pasukan ng droga dahil sa kawalan ng komprehensibong programa na tumutugon dito.

Ito ang kanyang binigyan diin sa isinagawang pulong-balitaan sa lungsod ng Maynila nitong Lunes kung kaya’t aniya pa ay dapat na palakasin ang pagbabantay ng mga miyembro ng maritime police, bureau of costums, ports authority, pati na ang coast guard.

Ang Maynila aniya ay may lawak na 20-kilometrong coastal area magmula sa Cultural Center of the Philippines Complex hanggang sa Navotas.

At dahil sa sobrang haba nito, sinabi pa ni Bagatsing na ito aniya ang dahilan kung bakit nakakalusot ang mga drug traffickers lalo na’t walang kumprehensibong programa sa nasabing seaboard. (ai/mtvn)

Leave a Reply