Massive manhunt ops inutos ni Carlos sa mga suspek ng pamamaril kay America

Massive manhunt ops inutos ni Carlos sa mga suspek ng pamamaril kay America

Si Infanta, Quezon Mayor Filipino Grace America (RMN Networks photo courtesy)

Ni Arwen Pascua

MANILA — Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director PBgen. Antonio Yarra ang Special Investigation Task Group (SITG) upang tugisin at tutukan ang kaso ng pamamaril kahapon kontra sa alkalde ng Infanta, Quezon na si Mayor Filipina Grace America.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief PBgen. Roderick Augustus Alba, na kasabay nito, siniguro din ng PNP Chief ang availability ng lahat ng resources ng mga PNP National Support Units para sa imbestigasyon at pursuit operations tungo sa mabilis na resolusyon ng kaso.

Ayon kay Alba, kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint operations ang PNP sa Infanta, Quezon at mga karatig na lugar para ma-harang ang mga suspek sa insidente.

Sinisiyasat narin aniya ng mga forensic investigators ang mga narekober na ebidensya sa pinangyarihan ng insidente sa Rizal corner Zamora Streets in Poblacion 1, Infanta, Quezon.

Si America, na re-electionist sa halalan, ay kasalukuyang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Metro Manila.

Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin ang kanyang sinasakyan itim na SUV habang pauwi sa kanyang bahay mula sa simbahan noong Linggo. (ai/mtvn)

Leave a Reply