Kaso ng Covid sa buong ‘Pinas ngayong Linggo 870 na lamang; paglabas ng arawang update ng DOH ‘di na t’yak

Kaso ng Covid sa buong ‘Pinas ngayong Linggo 870 na lamang; paglabas ng arawang update ng DOH ‘di na t’yak

Ni Amado Inigo

MANILA — Naitala ngayong alas-4 ng hapon (Marso 6, 2022) ng Department of Health ang mababang kaso ng Covid-19 na nasa 870 na lamang habang halos doble ang bilang ng naitalang mga gumaling sa 1,433.

Sa kasamaang palad, ang bilang naman ng mga pumanaw ay medyo mataas, 144.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (48,793) ang aktibong kaso, 97.1% (3,561,726) na ang gumaling, at 1.55% (57,023) ang mga namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong March 4, 2022 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Nagbigay naman ng paalala ang DOH sa lahat na huwag pa rin maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

At kung sakaling makaramdam ng sintomas, payo ng DOH na AGAD NA MAG-ISOLATE at magpa-test.

“Tandaan and right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag proteksyon laban sa COVID-19,” wika nito.

Samantala, sinabi pa ng ahensya na maaaring magbago o tuluyan nang tumigil ang pagbibigay ng arawang update ng mga kaso sa Covid dahil sa patuloy naman nang bumababa ang bilang ng bagong infections sa bansa.
(ai/mtvn)

Leave a Reply