LENI MAY HUKBO NG PHOTOSHOP ARTISTS; SWELDO AABOT NG P100K KADA BUWAN

LENI MAY HUKBO NG PHOTOSHOP ARTISTS; SWELDO AABOT NG P100K KADA BUWAN

MANILA — Nabuko ang ginagawang panloloko sa taumbayan ng kampo ni Leni Robredo nang isang photoshop artist ang umamin na kasama siya sa operasyon ng mga ekspertong inarkila ng kampo ng dilawan para iretoke ang mga larawang ipinalalabas sa traditional at social media at palabasing maraming tao ang dumadalo sa kanilang rally.

Base sa salaysay ni JR ( hindi tunay na pangalan), hindi na niya masikmura ang mga ipinapagawa sa kanya ng kampo ni Robredo kaya lumantad na siya at napilitang isiwalat ang katotohanan.

Aniya, November 2021 ay kinuha na siya ng mga lider ni Robredo kung saan ay sinabi sa kanyang photo editor lamang ang kanyang magiging trabaho subalit sa paglipas ng panahon ay inuutusan na rin siyang mandaya at mag-manipulate ng mga larawan.

Ang suweldong tinatanggap ni JR at mga kasama para lamang sa pag-photoshop ay P70,000 hanggang P100,000 kada buwan.

Malawak din umano ang kanilang operasyon dahil kahit sa Luzon, Visayas at Mindanao ay may katulad silang grupo.

“Kadalasang ginagawa namin ay pinalalabas naming maraming tao ang dumadalo sa mga rally ni Ma’am Leni kahit hindi naman matao para daw maraming tao ang maniwala at sumama sa kanila,” sabi niya.

“Madalas din ay pinalalabas namin na kokonti ang mga tao sa rally nina BBM, Manny Pacquiao, Isko Moreno at iba pa nilang mga kalaban para daw hindi makakuha ng suporta at atensyon sa media,” dagdag pa ni JR.

Nagagawa umano nila ang madyik at manipulasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga screen shot mula sa kuha ng mga vloggers dahil hindi naman propesyonal ang mga iyon, tapos idudugtong at ikukumpara namin at saka namin ima-manipulate,” paliwanag niya.

Aniya pa umpisa’y mga maliliit na rally pa lang ni Robredo ang mina-magic nila upang palabasin na marami ito.

Hanggang ginagawa rin nilang i-photoshop ang ilang rally ni Bongbong Marcos at palalabasing rally iyon ni Robredo.

“Iyong rally po nina Marcos na unity ride yata ang tawag nila doon, grupo po namin iyon. Na-bashed po kami nang husto doon,” ani JR.
Idinagdag ni JR na noong unang ma-bash sila dahil sa pag-photoshop sa ilang unity ride ni Marcos ay nakaramdam na siya ng takot kasi alam nito na sobrang dami ang supporters ng UniTeam.

At habang tumatagal at dumarami na ang maling pinapagawa sa kanila ay lalo siyang natatakot para sa kanyang sarili at pamilya.

Idinadag pa niya na ang madalas nilang ginagawa ngayon ay mag-drone shot. Kunwari’y puno ng tao ang rally, pero iyon pala ay puro pink na lobo lang iyon.

“Pakiramdam ko bukod sa ipapahamak kami sa mga pinapagawa sa amin, parang pakiramdam ko ay ipapapatay ako ng mga dilawan kaya gusto ko nang kumalas sa kanila,” wika pa niya.

Sinabi ni JR na marami silang mga eksperto sa pag-photoshop na kinuha ng kampo ni Robredo.

Lahat sila ay may kanya-kanyang umanong task at assignment.

“Compartmentalized po ang trabaho namin. Iyong iba magkakakilala kami, iyong iba hindi. Pero iyong mga lumalabas ngayon, alam namin sa isa’t isa kung gawa ng grupo namin kasi talagang hindi mo mahahalata ang pag-photoshop. Magaling kami sa ganyan,” dagdag pa ni JR.

“Talagang hindi ko na lang kaya ang pinapagawa nila sa akin at natatakot na rin ako para sa seguridad ko at aking pamilya,” saad pa nito.

“Iyong iba talagang pinapasama sa sortie para kumuha ng magandang anggulo. Iyong iba naman, work from home lang talaga,” dagdag pa nito.

“Ang pangako po sa amin ay bibigyan kami ng magandang trabaho kapag nanalo raw si Robredo. Pero ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang pinapagawa nila sa akin,” ani pa ni JR.

Plano na lang nitong umuwi na lang sa kanilang probinsiya para makaiwas sa anupamang kapahamakan.

“Alam ko naman mate-trace kami ng pulis at NBI kaya hindi ko na aantayin iyon. Kalas na ko at may ilang kilala pa ako na kakalas na rin sa kanila bago pa kami mapahamak nang husto,” dagdag pa nito.
(ai/mtvn)

8 thoughts on “LENI MAY HUKBO NG PHOTOSHOP ARTISTS; SWELDO AABOT NG P100K KADA BUWAN

  1. tanginang fake news ninyo yan, ma konsensya naman kayo, kumikita nga kayo pero in the expense of our nation naman, dahil sainyo kaya andadami ng mga tangang sumusuporta kay marcos, ni wala ngang basis tong “news” na to– natutuwa ba kayo na maging bayaran kayo ng isang magnanakaw, manloloko, at mamatay tao– nakakadiri kayo tangina, inayos niyo man lang sana grammar ninyo– filipino na nga lang may mga mali pa– tapos pwe, takot na ba talaga kayo kaya pati na lang pictures ng campaign rally sinisiraan ninyo? yaks, kayo lang namang mga BBM supporters ang mahilig mag photoshop tapos mga kakampinks pa talaga sasabihan niyo niyan– isip bagong tactics, kadiri

Leave a Reply