Pagsabit ng mga bata sa PUJ dapat ipagbawal ng traffic enforcers

Pagsabit ng mga bata sa PUJ dapat ipagbawal ng traffic enforcers

Dahil halos araw-araw nakikita ang pangitaing ito ng mga batang tila bagang naglalaro at nagkakatuwaang pasabit-sabit sa mga public utility jeeps (PUJ) gaya nitong nakuhanan ng camera sa kahabaan ng Zapote Road, Muntinlupa City, na tila bagang hindi na pinaguukulan ng pansin ng ating mga traffic enforcers.

Katunayan, sobrang delikado and “laro” na ito ng mga bata na kung hindi mga homeless kids ng NCR ay malamang na anak ng mga dumadayong Badjao sa Kamaynilaan at mga karating-lugar upang mamalimos sa lansangan at maging sa mga pasehero sa loob mismo ng mga jeep.

Nararapat lamang na ito’y aksyunan ng mga kinauukulan bago pa man may mangyaring hindi maganda sa batang nabanggit.

(Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply