MAHIGIT P1-B HALAGA NG SHABU SA VALENZUELA NASABAT NG PDEA, PNP, AFP, NICA

MAHIGIT P1-B HALAGA NG SHABU SA VALENZUELA NASABAT NG PDEA, PNP, AFP, NICA

Texto at photo nina Val Leonardo at Benjamin Cuaresma

MANILA — Tinatayang aabot sa P1.088 Billion na halaga ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 160 kilos ang nasabat sa isinagawang Buy-Bust Operation kahapon, Martes (Marso 8, 2022) bandang alas-3:30 ng hapon sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Isinagawa ang buy-bust ops ng mga magkasanib na puwersa ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kinilala ni PDEA Director-General Wilkins M. Villanueva ang isang suspek na intsek na umano’y nagmamay-ari ng ka-shabuhan na si TIANZHU LYU, ng Fujian China habang ang kanyang kasamang babae ay isang nagngangalang Meliza Villanueva ng Conception, Tarlac.

Sinabi ni Villanueva na maaaring parte ito ng mga nasamsam na mga shabu sa ang serye ng sunod-sunod na mga anti-drug operations ng PDEA at kapuslisan.

Sa Cavite ay may nasamsam noong Marso 1, 2022 na dalawang (2) kilo ng shabu na nasa P13.6 million ang halaga.

Noong sumunod na araw ay mayroon ding nahuling apat (4) na kilo ng shabu na may halaga ng P27.2 Million sa Bulacan at 60 kilo ng shabu na aabot naman P408-M ang nasamsam sa isang (1) drug suspect.

Noong Marso 3, 2022 ay mayroon ding nakuhang 200 Grams ng shabu na may halagang P1.36-M ang nakuha sa apat (4) na drug suspect sa Buy-Bust Operation sa Escalante City, Negros Occidental.

At noong Marso 4, 2022 naman mayroon ding nalambat na limang (5) kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P34-M at naaresto ang isang drug suspek.

Ayon kay Villanueva, sa kabuuan, ang mga anti-drug operations na ito ay nagresulta sa pagkakasamsam ng 231.2 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride na nagkakahalaga ng P1.57-B. (ai/mtvn)

Leave a Reply