END GAME NG ANTI-DRUG OPS NG DUTERTE ADMIN SINANGKAPAN NG EDUKASYON

END GAME NG ANTI-DRUG OPS NG DUTERTE ADMIN SINANGKAPAN NG EDUKASYON

Ni Arwen Pascua

MANILA — Upang maging malinaw ang implementasyon at walang pagkakamali na pagbayaran sa mga susunod na panahon, inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang huling istilo na gagamitin sa anti-illegal drug operations na bahagi ng kampanya sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, tatawaging Anti-Illegal Drug Operation through Reinforcement and Education (ADORE) ang operasyon laban sa mga drug personalities at pagpigil ng paglaganap ng droga lalo na’t magiging maigting muli ang kanilang operasyon dahil sa pagluwag ng galawan sa mga susunod na araw.

Paglilinaw naman ni Carlos na ang ADORE ay huling bugso ng anti-illegal drug operations at ito ay rehabilitasyon sa mga naarestong drug addict at drug personalities.

Guest speaker sa Camp Crame launching si Health Secretary Francisco Duque III na nagbahagi ng kaalaman sa mga bawal at mapanganib na droga.

Sinangkapan ng edukasyon ang operasyon upang ang mga pulis na aakto o magpapatupad ay may alam sa kanilang pagsagupa sa mga drug syndicate.

Habang bago isalang ang operatiba ay inaasahan din ang pag-educate sa mga pulis sa mga substance use at kung paano maiwasan ang abuso nito.

Kaya naman minabuti ng PNP na si Duque ang kanilang panauhing pandangal sa ADORE launching kanina.

“I am certainly pleased to be here to witness the launching of the Anti-Illegal Drugs Operatios through Reinforcement and Education better known as ADORE. Your DOH shares the vision of a healthy Pilipinas with the PNP through health promotion activities on substance use and abuse. The DOH believes that DOH substance use and abuse are a chronic but treatable medical condition,”ayon kay Duque.

Dagdag pa ni Carlos na dahil pababa na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 10, ang ADORE ay end game ng mga naunang anti-illegal drug operations na naglalayong maging maayos ang turn over sa mga susunod na administrasyon at mamumuno sa PNP.

“Maraming salamat po sa mga tumulong upang atin pong mailaunch itong ating ADORE. Basically we would like to have the end game strategy for this administration by completing the double barrel that we started in 2016, so, this is a commitment by the PNP that through the reinforcement, this is our rehabilitation, recovery and wellness and reintegration of the more than 1.2 million that surrendered,” ayon kay Carlos. (AI/MTVN)

Leave a Reply