National Academy of Sports suportado ni Eleazar

National Academy of Sports suportado ni Eleazar

Nagpalarawan si Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar kasama ang isa sa kanyang mga tagasuporta. (Photo supplied)

MANILA — Kasunod ng kanyang deklarasyon para labanan ang salot na drug addiction, hinikayat ni Partido Reporma senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazar ang kabataan na pasukin ang sports sa halip na ibaling ang atensyon sa makakasamang bagay tulad ng mga bisyo tulad paggamit ng bawal na droga na hanggang ngayon ay laganap pa rin sa kabila ng kampanya laban dito.

Kasabay nito, tiniyak din ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang kanyang buong pagsuporta sa mga programang naglalayong mapalakas pa sa larangan ng palakasan sa bansa dahil sa paniniwalang ito ay makakatulong para mapalayo o mapaiwas ant kabataan sa iba’t ibang uri ng bisyo.

“Batid natin na isang epektibong paraan para mailayo natin ang ating mga kabataan sa droga at kriminalidad ay sa pamamagitan ng sports. Nasa dugo na ng bawat Pilipino ang pagkahilig sa iba’t ibang larong pampalakasan. Sa tingin ko, tama lang na paunlarin pa ng gobyerno ang larangang ito para mahubog ang ating mga kabataan,” punto ni Eleazar.

Ayon sa retiradong heneral, kung mahahalal siya bilang senador, balak niyang isulong ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa tuluy-tuloy na pagsasainstitusyon ng isang National Academy of Sports (NAS).

Naitatag ang NAS matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11470 noong Hunyo 2020 at inaasahang maipapatayo and akademya sa New Clark City sa Capas, Tarlac para makagbigay ng de kalidad na secondary education sa mga kabataan, kasama na ang special curriculum sa sports o palakasan.

Noong nakaraang taon, sinimulan ng NAS ang pag-recruit ng mga estudyanteng atleta sa pamamagitan ng NAS Annual Search for Competent, Exceptional, Notable, and Talented Student-Athlete Scholars (NASCENT SAS). (ai/mtvn)

Leave a Reply