GADON KAY LENI: “PEKE KA NA NGANG VP, PATI RALLY PINEPEKE MO PA!”

GADON KAY LENI: “PEKE KA NA NGANG VP, PATI RALLY PINEPEKE MO PA!”

MANILA — ITO ang sinabi ni UniTeam senatorial candidate Atty. Larry Gadon bilang reaksiyon sa sunud-sunod na pagkakabisto sa pamemeke ng kampo ni Leni Robredo para lamang palabasin na maraming taga-suporta ang dumarating sa mga campaign rally niya.

Ayon kay Gadon, hindi na siya nagtataka kung sanay mag-peke ng numero si Robredo dahil kahit ang pagiging Bise-Presidente aniya nito ay peke na simula pa noong taong 2016.

“Pineke n’yo na nga ang numero noong bilangan ng 2016, pati ba naman numbers sa rally n’yo pinepeke n’yo pa? Sagad hanggang buto ang pagiging peke mo Robredo!,” ani Gadon.

Kung matatandaan, ibinisto ni Philip Ceasar Cadabuna, isang drone operator, ang ginawang pamemeke sa numero ng kampo ni Robredo nang mag-rally ang mga ito sa Echague, Isabela kamakailan.

Kinuha at inupahan ng team ni Robredo si Cadabuna upang kumuha ng live feed coverage sa kanilang grand rally sa Echague Municipal Hall nitong nakalipas na Sabado.

Subalit ganoon na lang ang gulat nito dahil ang alam niyang crowd estimate na 4,000 hanggang 5,000 ay ginawang 40,000 supporters nina Robredo.

“Nuknukan ng mandaraya talaga ang Leni na iyan. Ang akala yata n’ya ay walang pipiyok at ikakanta ang kanilang kabalbalan,” sabi pa ni Gadon.

Sinabi ni Gadon na ginagawang bobo ni Robredo ang mamamayang Pilipino. “Kung hindi ba naman mga tanga, akalain n’yo umabot daw ng 70,000 ang nasa rally nila sa Paglaum Sports Complex? Eh ang Philippine Arena sa Bulacan nga na world largest arena in the world ay 55,000 capacity lang tapos sa Bacolod 70k? Mga bobo!” sabi pa ni Gadon.

Idinagdag ng senatorial candidate na isa ring YouTube sensation ngayon na bukod sa pamemeke ng numero, bayarang tagasuporta, gumagamit pa ng lobo (ballons) ang mga mga hakot na audience para kapag kinunan ng drone, magmumukhang makapal ang tao.

“Photoshopped na nga. Bloated numbers pa, may bonus pang lobo!” dagdag pa ni Gadon.

“Antayin n’yo, ibubunyag ko ang kumpletiong detalye ng koalisyon ni Robredo sa mga teroristang NPA. Kaya kayong mahal kong Pilipino, mag-ingat kayo sa mga taong bobo na, kakutsaba pa ng teroristang komunista,” sabi pa nito. (ai/mtvn)

Leave a Reply