EXTORTION ACTIVITIES NG SABWATANG LENI AT TERORISTANG NPA NAGSIMULA NA!

EXTORTION ACTIVITIES NG SABWATANG LENI AT TERORISTANG NPA NAGSIMULA NA!

MANILA — Ibinunyag ni UniTeam senatorial candidate Atty. Larry Gadon na piyesta na naman ang ‘permit to campaign activities’ ng teroristang New People’s Army (NPA) matapos maging pormal na ang alyansa nila kay Leni Robredo.

Ayon kay Gadon, siya mismo ay nakatatanggap na rin ngayon ng impormasyon na pinag-iibayo pang lalo ng NPA ang kanilang extortion activities sa pamamagitan ng tinatawag na ‘no permit, no campaign’ policy ng teroristang hukbo.

“Sa March 25 pa ang start ng campaign sa local pero ngayon pa lang talamak na ang pangingikil nila. Utos daw iyon ni Leni Robredo,” ani Gadon.

Sinabi ng Youtube sensation na abogado na base sa kanyang impormasyon, daang libong piso hanggang milyong piso ang nahuhuthot ng mga teroristang NPA mula sa mga kandidato na tumatakbo sa local at national positions.

Nagagawa umano nila ito dahil na rin sa basbas ni Robredo.

“Doble kita ng NPA ngayon. Bayad na sila kay Robredo, binigyan pa sila ng puwersa at lisensya para mangikil uli sa kabundukan,” sabi pa ni Gadon.

Kung matatandaan, mismong si Pangulong Duterte ang nagkumpirma hinggil sa sabwatan nang Leni-NPA terrorist group. Ilan sa mga ‘legal front organization’ ng teroristang grupo ay kabilang sa mga ‘hakot crowd’ ng campaign rally ni Leni sa Cavite, Bulacan, Isabela, at marami pang iba.

Sinabi ni Pangulong Duterte na may plano ring guluhin ng sabwatang Leni-NPA ang darating na May 9 elections.

Nauna nang nagbunyag ang alyansang Leni-NPA terrorist group si Reporma presidential candidate Senator Ping Lacson. (ai/mtvn)

Leave a Reply