PDEA SCORES HUMONGOUS DRUG HAUL

PDEA SCORES HUMONGOUS DRUG HAUL

TONELADANG SHABU NASAKOTE. Isa at kalahating toneladang shabu na nagkakahalaga ng P12 billion ang nasamsam sa sampung (10) suspects na lulan ng isang Mitsubishi L-300 van sa Infanta, Quezon kagabi (Martes, 15 Marso 2022) sa isinagawang checkpoint ng mga operatiba ng NBI, PDEA at PNP.

Naisagawa ang naturang operasyon matapos makatanggap ng tip ang hanay ng kapulisan sa naturang shipment ng iligal na droga.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang mga utak ng malakihang pag-transport ng droga.

(Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply