6.9-M halaga ng shabu ang nasabat mula sa lady claimant sa Caloocan

6.9-M halaga ng shabu ang nasabat mula sa lady claimant sa Caloocan

MANILA — Isang kilo ng imported crystal meth (shabu) na nagkakahalaga ng P6,900,000 ang nasabat mula sa isang lady claimant kasunod ng isinagawang controlled delivery operation sa Villa Crystal, Barangay Bagumbong Miyerkules ng gabi ng Marso 16, 2022.

Batay sa report ni PDEA Region 3 Director BRIYAN BABANG kay PDEA Director-General WILKINS M.VILLANUEVA, kinilala ang consignee na isang nagngangalang Charlene Nworisa y Zabala na naninirahan sa Villa Crystal Phase 1, Bagumbong Dulo, Caloocan City.

Sinabi ni BABANG na ang pakete na naglalaman ng shabu ay nakatago sa loob ng lukab ng mga laruang figurine.

Aniya ang package ay nagmula sa Kuala Lumpur, Malaysia at dumating sa Port of Clark noong Marso 12, 2022.

At dahil sa kahina-hinala ang bagahe, isinailalim ito sa proseso ng X-ray at field testing gamit ang Rigaku Progency at natuklasan ang 31 translucent plastic na mga pouch na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng 1,000 grams na agad namang plinano ng kapulisan ang kontroladong operasyon ng delivery.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs Port of Clark, PDEA NCR NDO, at PNP units.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 laban sa lady claimant na naaresto.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply