HAKOT CROWD NI LENI BUKING SA FB

HAKOT CROWD NI LENI BUKING SA FB

MANILA — Taliwas sa mga ipinagyayabang ng kampo ni Leni Robredo na lehitimo at ‘genuine’ ang kanilang mga volunteers at tagasuporta, viral naman ngayon sa social media ang ginawang pamimilit at panunuhol ng kanyang mga kampon para lamang dagsain ang kanilang campaign rally.

Sa post ng Pinoy Got Skillz facebook page na umabot na ng 2.9 million views, isang grupo ng kalalakihan na may Leni-Kiko sticker sa kanilang kotse ang nilapitan at kinunan ng video ng isang babae na naka t-shirt ng Leni upang tanungin kung sino ang iboboto nito sa pagkapangulo.

“Hi Guys, sino ba iboboto niyo?” anang videographer sa lalaking may dalang malaking Leni-Kiko sticker. Agad itong sumagot na: “Si BBM, trabaho lang, walang personalan.”

Sa isa pang post sa Pinoy Got Skillz facebook page na mayroon namang 500,000 million views, isang estudyanteng lalaki na iniinis ng kanyang ate habang suot ang t-shirt, mask, at ID na may larawan ni Leni.

Sa isang video na nakunan naman sa Malolos City, Bulacan, at makikita na pinuntahan ng isang ina ang mga estudyanteng pinangakuang bibigyan ng mataas na grado kung dadalo sila naturang okasyon.

“Oy ano yan, oyyyyy solid maka-Leni, oy pati ID, pati ID? Ay iba din,” sabi niya sa kamera sabay sigaw ng “BBM, BBM, BBM” sabay ‘peace sign.’

“Sorry po ‘Nay BBM po kami,” sabi pa nila.

Isa pang post sa nasabi ring FB page na may mahigit sa 1 million views ang kinaaliwan nang tanungin ang isang lolo kung si Leni ba ang susuportahan nito.

“Marcos ang president ko, Vice si Inday,” anang matanda.

Nang tanungin uli, “eh bakit Leni yang suot mong t-shirts?” Ang sagot nito ay: “para may pang-inom lang.”

Ang mga FB post na ito ay patunay na karamihan sa mga hakot crowd ni Leni binabayaran lamang ng P500 kada isa at kahit dumalo sila sa okasyon, hindi pa rin maitatanggi na si Marcos pa rin ang kanilang iboboto.

Marami na ring tagasuporta ng ibang kandidato ang humahamon kay Robredo na magpakita ng malaking puwersa sa pamamagitan ng caravan.

Kahit isang video kasi na pinagkakaguluhan ito sa isang motorcade ay wala silang mailabas sa mainstream media at social media.

Ayon sa netizen na si Jaime Sabilacut: “Ramdam na ramdam mo pagmamahal ng tao kay Leni ah, ayaw nila napapagod si Nanay kaya nagtago ang mga tao, ayaw nilang madumihan yung kamay ni Leni, tama yan iwas-iwas tayo sa kanya hanggang eleksiyon hahaha.”

“Nakikiramay po kami sa yumaong kaluluwa, sana po maging tahimik kayo kung saan man kayo pupunta tulad kung gaano katahimik ang caravan na yan ng Nanay niyo,” komento ni Cherry Magsilang. (ai/mtvn)

Leave a Reply