Muntinlupa nagsagawa ng pilot in-person classes

Muntinlupa nagsagawa ng pilot in-person classes

Nagsagawa ng pilot in-person classes sa pangunguna ni OIC Principal Eden C. Cado ang mga batang estudyante kaninang umaga (March 17,2022) sa Bagong Silang Elementary School, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Kalakip ito ng paghahanda ng naturang eskuwelahan sa darating na pasukan sa Lunes (March 21, 2022) ng mga mag-aaral sa kanilang new normal classes at mga health protocol na dapat gawiin sa loob ng paaralan.

At kapansin-pansin ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro alinsunod sa health protocol gamit ang teknolohiya.

(Peter M. Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply