Mga maralita nagprotesta para i-suspinde ang excise tax at VAT sa langis

Mga maralita nagprotesta para i-suspinde ang excise tax at VAT sa langis

MANILA — Bilang panghuling araw ng sanlinggong protestang inilunsad ng Anakpawis Party-list, daan-daang mga manggagawa, drayber at maralitang tagalungsod ang nagsagawa ng protestang human chain at kalampagan mula kanto ng Moriones, Tondo at R-10.

Kasabay nito ang mga tulad na pagkilos sa Camarin at Monumento sa Caloocan City, Novaliches at Philcoa sa Quezon City, Malanday sa Valenzuela City, gayundin sa mga rehiyon at probinsya sa Southern Tagalog at Central Luzon, Baguio City, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Davao City at General Santos City.

Nitong linggo ay nauna nang nakiisa sa protestang bayan ng anakpawis ang mga manggagawa, drayber, magsasaka at mangingisda sa Laguna Lake sa Rizal sa kanilang tigil-palaot, sa Malolos City, sa Cebu City, Naga City, Legazpi City, San Carlos City sa Pangasinan, sa Laguna, Cagayan at Isabela.

Nakiisa rin ang iba’t ibang sektor sa inilunsad na Busina Laban sa OPH noong Martes sa Metro Manila at sa mga rehiyon. (ai/mtvn)

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply