Isko Domagoso walang karapatang magmalinis — Manileños

Isko Domagoso walang karapatang magmalinis — Manileños

MANILA — Sa kabila ng mga pahiwatig ni Isko Moreno na wawalisin niya ang korapsyon sa pamahalaan kung mananalo siya sa halalan, batikos pa rin ang inabot niya sa mismong mga taga-Maynila na nakakaalam ng kanyang totoong ugali na anila maliban sa pagiging oportunista ay sandamakmak din ang mga kinakaharap na kasong katiwalian.

“Walang karapatan iyang si Isko na magmalinis dahil sobrang baho rin ng kanyang record at panay anomalya rin ang ginagawa niya sa maraming taon na opisyal siya ng pamahalaang Maynila, “ sabi ni Roger Rojas na taga Sampaloc.

Matatandaang noong 2012 ay nabuking ang mahigit 200 na “ghost employees” niya habang siya ay nakaupong vice mayor ng Maynila ng ilantad ng noo’y mayor na si Alfredo Lim.

“Mahirap pabulaanan ito dahil may mga papeles galing sa city hall. Baka naisip niya nakalimutan na ito ng taumbayan. Mahirap maglinislinisan,” ani ng isang dating konsehal ng Maynila.

At sino ang makakalimot sa kasong plunder na isinampa kay Moreno noong 2014 matapos diumanong ibulsa nito ang P77 million na real property tax at i-convert ito sa “dummy” barangay.

Noong isang taon ay nagyabang si Moreno sa isang TV interview na hindi daw siya kailanman nasangkot sa pangungulimbat ng kaban ng bayan.

“As far as I am concerned, as of today, since 1998, 23 years of my life in government service, I was never charged of any corruption,” maangas na pagtitiyak ni Moreno sa ABS-CBN.

Ngunit agad naman itong sinagot ng actor na si Jaime Fabregas sa pamamagitan ng isang Tweet at nagsabing, “Paki-explain ang P70M Isko!”

“Isko, nakikiusap ako! Umatras ka na sa laban! Ang trabaho ng isang presidente ay higit sa pag-pintura ng Lagusnilad at mag-ilaw ng Park!!” dagdag ni Fabregas.

Bukod sa mga batikos na ito ay hinahalungkat na din ng ilang anti-corruption watchdogs ang mga reklamo ng pangongotong ng mga tao ni Moreno sa Divisoria, na ayon sa ilang vendors ay mas masahol pa sa panahon nung mga unang mayor.

“Dati po nung panahon ni Erap at Lim tatlong beses lang po ang ikot ng mga tao ng city hall para maningil ng butaw. Ngayon po limang beses po umiikot ang mga bata ni Yorme para maningil ng butaw sa aming mga vendors at sa mga drayber ng trak na nagdadala ng mga produkto,” ika ni Ysabel Andres na matagal ng nagtitinda sa kanto ng CM Recto at Ilaya.

“Masyado na po ang pahirap sa aming mga maliliit, pero kung marinig mo po sya pag nangangampanya parang ang linis linis nya,” dagdag ni Andres. (ai/mtvn)

Leave a Reply