SPOTTED: HAKOT NA TAO SA RALLY NI LENI NAGALIT; GALING SA IBANG LUGAR AYON SA RAPPLER

SPOTTED: HAKOT NA TAO SA RALLY NI LENI NAGALIT; GALING SA IBANG LUGAR AYON SA RAPPLER

Ni Jayson Aguilar Magdadaro

MANILA — Marami ang hindi natuwa sa ginawang paghahakot ng tao ng kampo ni presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential bet Senator Francisco Pangilinan sa kanilang isinagawang PasigLaban rally sa Emerald Avenue, Pasig City.

Kumalat sa social media ang mga larawan at videos ng daan-daang sasakyan sa tagong kalsada ng Pasig na lulan ang mga umano’y supporters ni Leni at Kiko, mga hinakot na tao nagalit dahil sa gutom at pinabayaan ng kanilang mga coordinator.

Namataan din ang 30 na buses at mini-buses, mga daan-daang kotse at van sa ilang mga video na tila itinatago sa ibang kalye ng Pasig City, mistulang fieldtrip ang nangyari dahil galing ang mga tao sa ibat-ibang lugar.

Ayon sa nakakuha ng video sinadya na malayo sa venue ng rally ipinarada ang mga sasakyan upang hindi mahalata na hakot ang mga tao o mga pekeng supporters.

“Grabe nag-fieldtrip sila, daming sasakyan nito ah, bakit kaya dito pinarada? bakit hindi malapit dun sa venue? Para hindi halata na naghahakot sila? tanong ng tao may kuha ng video.

Huli naman sa video ng isang netizen ang aktong pagsakay ng mga nakapink T-shirts na mga tao sa isang bus na may tarpaulin ni Leni-Kiko at may nakasulat na libreng sakay, “Hakot, walang bayad yan ah? Okay, may tarpaulin ni Leni, huli kayo, libreng sakay ah,” ayon sa nagvivideo.

Dagdag pa jan ang post ng VLOG NG PASIG sa kanilang Facebook page na nagbigay update sa kaganapan ng rally at tinukoy nila na mula ibat-ibang lugar ang mga tao, mula sa probinsya ng Rizal at Laguna ang mga dumalo sa nasabing programa.

“Mga taga Rizal at Laguna dumayo na rin sa Pasig Proclamation Rally ni VP Leni Robredo sa Pasig!” ayon sa post ng Vlog ng Pasig

Patunay pa ang deleted report ng Rappler na sinabi nito na hindi lang mismo sa Pasig nanggaling ang mga tao na pumunta sa Leni-Kiko PasigLaban rally kundi pati sa ibang syudad ng Metro Manila at sa malalapit na probinsya.

“Aerial shots of the KaKampink crowd here along Emerald Ave as of 2 pm. Supporters here come not only from Pasig, but the rest of Metro Manila and even nearby provinces. #PHVote #WeDecide / via Mara Cepeda/Rappler”

Sa bang post

Sa ibang post pa, nagkwento naman ang isang matandang babae sa kanyang anak, ikinagulat nila ang pagsama sa kanila ng kampo ni Sen. Joel Villanueva papunta sa rally ni Leni Robredo, isang grupo din ang nagpost sa kanyang social media account na nagrarant dahil iniwan at pinabayaan sila ng coordinator nila ng walang kain, tubig at pamasahe pauwi.

“Pinapunta kami kay Robredo, sabi alas kwatro magkita-kita dito lang kami sa Pasig, naiba yung usapan, naiba yung kanilang programa kasi nga supported pala ni Joel si Leni, nakaline-up kay Robredo, sapilitan nandun na kami, sumabay kami sa sasakyan,” kwento ng matandang babae sa post ni Nash Zachary Pascua.

“Nagvivideo ako para ipaalam nangyari sa amin, pinabayaan kami, wala kaming pamasahe, yung coordinator sarap sakalin sa leeg para lumabas yung kanyang dila, yung iba naming kasama nandun pa, naiwan, ito ang nangyari samin sa pagpunta kay Leni Robredo, sabi may pagkain at tubi, wala!, gutom kami hanggang gabi,” galit na sabi ng isang babae sa post ni Maki Vella.

Dinamay din umano ng Leni-Kiko coordinator ang isang bata na labing tatlong (13) gulang pa lamang na klarong hindi pa nakakaboto, aniya ang paalam sa kanila ay swimming kaya isinama ang anak ng partner niya na mula sa isang Catholic school sa Pasig City.

“Nakakagalit!!! 13 years old na bata niyaya nila ni hindi pa nga botante!!! Papunta kami ngayon para sunduin! Ngayon nila sabihin na hindi sila naghahakot! Mga walang walanghiyang Kakampink yan” ayon sa post ng isang galit na babae. (ai/mtvn)

Leave a Reply