KAMPO NI ROBREDO UMAMING NAGPAKALAT NG FAKE NEWS; ABS-CBN BISTADO RIN

KAMPO NI ROBREDO UMAMING NAGPAKALAT NG FAKE NEWS; ABS-CBN BISTADO RIN

MANILA — Matapos umani ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa pagbibigay ng “exaggerated” at maling numero ng mga dumalo sa kanilang campaign rally sa Davao del Sur, napilitang umamin ang kampo ni Leni Robredo na mali nga ang kanilang ibinigay na detalye.

Ayon sa ipinalabas na larawan ng media bureau ni Leni Robredo na ibinahagi ng ABS-CBN reporter na si Adrian Ayalin sa kanyang Twitter account, sinabi nito na aabot sa 16, 000 ang dumalo sa rally ni Robredo sa Davao Del Sur Coliseum kamakailan.

“Look: Supporters fill the 16, 000-seater Davao del Sur coliseum for the people’s rally for Vice President Leni Robredo and her team,” ayon sa Tweet ng ABS-CBN reporter.

Pero hindi ito nakaligtas sa mga netizen at agad itong umani ng batikos dahil imposible raw na umabot ng 16, 000 ang naturang venue na hindi naman daw kalakihan.

“Fake news yan! Hindi yan Araneta Coliseum para abutin ng 16, 000. Maliit lang yang venue na yan,” komento ng isang galit na netizen.

Dahil sa mga batikos at nabuko ang pagdadagdag ng mga dumalong supporters, napilitang umamin ang kampo ni Robredo na fake news nga ang kanilang impormasyon.

“VP Leni Media Bureau corrects its earlier statement that the Davao Del Sur Coliseum has a seating capacity of 16, 000. It says the coliseum has seating capacity of 5, 000,” ayon sa paglilinaw na Tweet ni Ayalin.

Pero hindi pa rin ito nakalusot sa ilang netizen dahil ilan pa ang nagbuking sa kanila at nagpakita ng mga larawan na hindi napuno ng kampo ni Robredo ang naturang maliit na venue.

“Funny thing is even with a small seating capacity of 5, 000, they still failed to fully occupy the coliseum leaving the 3rd floor seats almost empty. Bigger venue pa ba?” Ayon kay Jade ng Twitter kalakip ang isang larawan na nagpapakita na maraming bakanteng upuan.

Matatandaan na una ng nabatikos ang kampo ng LeniNPA dahil sa masamang ugali nila na pagdadagdag sa bilang ng mga tao na dumadalo sa musical concert rally nila.

Katulad halimbawa ng rally sa Cavite at Bacolod na maliban sa mga hakot ang dumating ay pinalobo pa nila ang mga bilang tao kahit di naman kasya sa venue.

Ang panloloko nina Leni ay suportado naman ng mga litrato na photoshopped na ginawa ng kanilang mga bayarang photo editors. (ai/mtvn)

Leave a Reply