RAPPLER, PCIJ, VERA FILES IBA PANG US-FUNDED MEDIA FIRMS, KUMPIRMADONG NANGANGAMPANYA PARA KAY ROBREDO — TIGLAO

RAPPLER, PCIJ, VERA FILES IBA PANG US-FUNDED MEDIA FIRMS, KUMPIRMADONG NANGANGAMPANYA PARA KAY ROBREDO — TIGLAO

MANILA — Ibinunyag ng kilalang columnist na si Rigoberto Tiglao na ilang US-funded na media firms ang nangangampanya umano para maging pangulo si Leni Robredo na kandidato umano ng Estados Unidos.

Ayon sa kolum ni Tiglao na lumabas sa pahayagang Manila Times nitong Marso 25, ang apat na news firm na pinatatakbo ng mga Filipino ay pinopondohan ng mismong gobyerno ng Estados Unidos.

“And these are not just funds from some foreign entity. These come from the government itself of a still hegemonic superpower, the US, which wants to control as many nations as it can—not always through arms, but through control of the minds of these countries’ leaders,” ayon kay Tiglao.

Tumatanggap umanong pondo ang mga media firm sa National Endowment for Democracy ng US na pinopondohan naman ng congressional allocation ng US sa pamamagitan ng Agency for International Development (AID).

Sa nakaraang limang taon, ang misyon ng mga naturang media institution ay pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi ang mga ito nagtagumpay.

Pero ngayon ang tanging misyon nila ay papanalunin sa halalan si Robredo.

Kinilala ni Tiglao ang mga media institution na Rappler na tumanggap ng P40.9 milyon mula sa NED; Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), P40.1 million; Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), P50.5 million; Vera Files, P22.4 million; at MindaNews, P13.4 million.

“The amounts are huge for thinly staffed websites with little overhead and none of the huge paper costs that are print media’s biggest expense” anang columnist.

“These media outfits won’t last a week without the American funds. And they dare to call themselves the ‘independent media’? And in the service of a presidential candidate, bankrolled by the US,” pagbibigay diin pa ni Tiglao. (ai/mtvn)

Leave a Reply