LACSON: HINDI LANG AKO ANG KULELAT KUNDI PATI NA RIN SINA ISKO, MANNY AT LENI

LACSON: HINDI LANG AKO ANG KULELAT KUNDI PATI NA RIN SINA ISKO, MANNY AT LENI

MANILA — Tuluyan nang inamin ni presidential candidate Ping Lacson na milya-milya ang layo ng ratings nila ng mga kapwa niya mga presidentiables na sina Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo kumpara sa nangungunang si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard -bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Kasabay nito, sinabi ni Lacson na hindi rin totoo na ang mababang ratings niya sa mga survey ang isa sa mga dahilan kung bakit inabandona siya ng Partido Reporma na pinangunahan ni Davao del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez.

Sa halip, ang pagtanggi aniya niya magbigay sa hinihinging P800 million kaya nagkaroon ng ‘laglagan.’

“He (Alvarez) also cited pre-election surveys as his primary reason for switching his support which of course I don’t believe because he forgot that like me, Mayor Isko and Sen Pacquiao, his newly chosen candidate (Leni) is also lagging far behind the survey leader (Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos),” ani Lacson.

Matapos abandonahin si Lacson, ang sinuportahan ni Alvarez ay si Robredo para i-tandem naman bilang pangalawang pangulo si vice-presidential bet Senate President Tito Sotto.

Ikinatwiran ni Alvarez na malabo nang makabangon pa para manalo ngayong halalan si Lacson dahil sa mababang ratings nito, bagay na sinagot ng senador na hindi lamang siya ang kulelat sa survey kundi gayundin sina Isko, Pacquiao at Robredo.

“Ganyan talaga ka-obsessed si Leni na talunin si BBM kaya kahit ibenta niya ang sarili niya sa demonyo ay gagawin niya at wala rin siyang pakialam kung masaktan ang kalooban ni Kiko at iba pang tao na tumutulong sa kanya,” sabi naman ng isang insider mula sa kampo ni Robredo.

Bukod kay Lacson, magbitiw naman bilang spokeman ng Reporma si dating Cong. Ashley Acedillo.

“Time to call a spade a spade. It was actually more about the issue of campaign expenses for their local candidates. His chief of staff was asking for 800 million pesos in additional funding which I honestly told him I cannot produce,” sabi pa ng senador. (ai/mtvn)

Leave a Reply