DepEd kinalampag sa pagpuwersa ni Leni na padaluhin ang mga minors sa concert rallies niya

DepEd kinalampag sa pagpuwersa ni Leni na padaluhin ang mga minors sa concert rallies niya

MANILA — Nanawagan si UniTeam senatorial bet Atty. Larry Gadon sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) na kumilos at gawan ng aksyon ang dumaraming reklamo ng mga magulang hinggil sa ginagawang lantarang paggamit ni Leni Robredo sa mga menor de edad na kabataan para puwersahang isama ang mga ito sa kanyang isinagawang ‘concert rallies’ sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Gadon, hindi dapat balewalain ni DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones ang ginagawang kalapastanganan ng kampo ni Robredo para abusuhin ang murang edad ng mga kabataan.

“Mataas po ang respeto natin kay Sec. Briones, alam kong siya mismo ay hindi papayag na makaladkad ang ating mga kabataan dahil lamang sa dumi ng laro sa pulitika ng mga pinklawan,” ani Gadon.

Sinabi ni Gadon na maraming kasapi ng iba’t ibang Parent-Teacher Association (PTA) mula sa iba-ibang eskwelahan ang nagpaplano na ngayong magsampa ng kaso laban kay Robredo dahil ang mga political rally na ginagawa nito ay pinagbabalot-kayo lamang sa anyo ng isang musical event.

“Natural mga bata iyang mga iyan. Kapag may artista at banda, talagang magpupuntahan ang mga iyan. Ang masaklap, ipinanghihikayat nila ay concert, pero iyon pala political rally na ni Robredo saka papakunan ng ‘drone shot’ para palabasing maraming tao ang pumunta sa sortie ng mga pinklawan,” ani Gadon.

“Mandaraya na nga sa boto noong 2016 vice-presidential race, pati numero sa rally niya ay dinadaya at pati murang edad ng mga bata, ginagamit pa niya,” wika pa nito.

Nais ni Gadon na bukod kina Robredo ay pagpaliwanagin din ng DepEd ang pamunuan ng Notre Dame of Greater Manila sa Caloocan City at katabing St. James School, gayundin ang iba pang mga private schools sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela) area dahil ang mga madre, principal at management nito ang nag-imbita sa mga bata para dumalo sa ‘concert rally’ ni Robredo.

“Tapos kapag hindi pumunta mamarkahan na nila ng absent ang bata? Kahit mga nasa minor age papupuntahing pilit. Eh kung may mangyaring masama sa mga iyan, paano n’yo papanagutin iyan sa kanilang magulang?” sabi pa ni Gadon.

Sinabi ng abogado na dapat ay kalimutan muna ni Sec. Briones ang kulay ng pulitika sa reklamo ng mga teachers at magulang dahil ang nakataya rito ay seguridad, emosyon at mental na pangkalusugan ng mga mag-aaral.

“Wala pa tayong face to face tapos gagamitin nyo sa isang political rally. Por Diyos por Santo mga Sister and Father, maghunos dili kayong nagpapanggap na banal! Patawarin nawa kayo sa mga kasalanan n’yo,” sabi pa ni Gadon.

Ayon kay Gadon, nilabag nina Robredo ang nakasaad sa Section 10a ng Republic Act 7610 o Child Abuse Law at Article 137-138 ng Labor Code of the Philippines as amended. Damay din sa kasong ito ang mga organizers at may-ari ng mga eskuwelahan.

Base sa probisyon ng labor law, ipinagbabawal sa sinuman ang pag-arkila sa serbisyo ng mga kabataan na may edad na 15 hanggang 18 kung walang parent counseling at dapat may parental consent naman kung ang biktimang bata ay 15 anyos pababa.

Ang sino man na mapatunayang lumabag sa nasabing batas ay nahaharap sa parusang pagkakakulong ng prison mayor o katumbas ng mula sa anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Nauna nang kinumpirma ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina na karamihan sa mga dumalo sa ‘concert rally’ ni Robredo sa Notre Dame ay mga minor age o kabataang wala sa voting age.
“Supposedly hindi na dapat. Unang-una, they are not part of voting population na kailangan maintindihan ng botante. Iyong mga nakita namin kanina ay mga estudyante at alam naman natin ang isyu ng security sa atin ngayon. Siyempre mayroon pa rin tayong covid,” anang police official.

Ilan sa mga bandang nag-perform sa ‘event’ ni Robredo na tinawag nilang ‘Camanava Rock & Rosas’ ay ang Tropical Depression, Scicosci, Kuh Ledesma, Color It Red, Sikatuna, The vowel they orbit, Marsmango, Hey Moonshine, Prettier than Pink, Early Ears, Milky Summer, Santino, Miles Experience, Gracenote, Tuesday Vargas, Juana Change at marami pang iba.
Ganito halos din ang eksena sa concert rally ng pinklawan sa ibang lugar tulad ng Bulacan, Cavite at Pasig City kung saan ay karamihan sa mga kabataang pumunta ay para manood ng Itchyworms, Rivermaya, Ben&Ben, Ebe Dancel at iba pang artista ng ABS-CBN.

“Sana po kumilos dito ang DepEd bago mahuli ang lahat,” panawagan pa ng matapang na kandidato ng BBM-Sara UniTeam. (ai/mtvn)

Leave a Reply