MAHIGIT ISANG KILONG DROGA NAKUMPISKA NG PDEA , BOC SA NAIA

MAHIGIT ISANG KILONG DROGA NAKUMPISKA NG PDEA , BOC SA NAIA

MANILA — Nagkakahalaga ng mahigit anim na milyong piso ang bawal na droga na nasabat ng Bureau of Customs at ng Philippine Drug Enforcement Agency MIyerkules ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ang nasabing kargamento ay nasabat bandang alas-10 ng umaga sa pagtutulungan ng BOC-NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG)

Nabatid na galing sa Malaysia ang naturang package na idineklarang pressure cooker.

Ngunit nang inspeksiyunin ay natukoy na bawal na droga o shabu na tumitimbang ng 1,011 grams at nagkakahalaga ng P6,874,800 ang nasa loob.

Kaugnay nito, sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na ipagpapatuloy ng ahensiya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya sa war on drugs ng pamahalaan.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply