Alex Lopez nakiisa sa paglilinis ng Golden Mosque ng Quiapo bilang paghahanda sa parating na Ramadan

Alex Lopez nakiisa sa paglilinis ng Golden Mosque ng Quiapo bilang paghahanda sa parating na Ramadan

Si Manila Mayoral Candidate Atty. Alex Lopez na nakiisa sa paglilinis ng Golden Mosque

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Dumalaw at nakiisa si Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa paglilinis ng “Golden Mosque and Cultural Center” sa Globo de Oro Street, Quiapo, Maynila noong Huwebes ng umaga (31 March 2022).

Si Atty. Alex Lopez habang iniinterview ng media

Ang pagdiriwang ng Ramadan ay magsisimula ngayong Sabado, 02 Abril 2022 at magtatapos sa 02 May 2022.

Nakibahagi rin ang Philippine Coast Guard upang pangunahan ang aktibidad sa Grand Mosque at sumali si Atty. Alex sa paglilinis.

Bilang kasapi ng UniTeam nina BBM at Inday Sara Duterte, pinaalala ni Atty. Lopez na si Pangulong Ferdinand Marcos ang responsable sa pagpapatayo ng Grand Mosque.

Nakasabay niya si Senadora Imee Marcos, panganay na kapatid ni Bongbong Marcos na kasalukuyang tumatakbong presidente ng Pilipinas, sa pagbisita sa naturang moske at malugod silang tinanggap ng mga lider ng Muslim Community.

Ang mga kapatid nating Muslim ay ilan sa mga vendors ng Maynila kung kaya’t ipinahayag ni Atty. Alex na isusulong nito ang mga karapatan ng mga kapatid na Muslim at sisiguraduhin niya na magkakaroon sila ng marangal na hanapbuhay.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, lumagda si Atty. Alex Lopez, vice mayoral candidate Raymond Bagatsing at ilang kumakatawan ng mga kapatid na Manilenyong Muslim ng isang kasunduan kung saan nangako silang magkaisa at magdala ng mabuti at inklusibong pamahalaan. (AI/MTVN)

Leave a Reply