MGA PERFORMER SA CONCERT RALLY NG “PINKLAWAN,” NAG-AWAY-AWAY DAHIL LATE AT NAG- PRIMA DONNA SI LENI

MGA PERFORMER SA CONCERT RALLY NG “PINKLAWAN,” NAG-AWAY-AWAY DAHIL LATE AT NAG- PRIMA DONNA SI LENI

MANILA — Usap-usapan ngayon sa social media ang awayan ng mga banda na performer sa mga concert rally ng “Pinklawan” dahil sa pagiging late ni Leni Robredo, na nagdaan para magkaroon ng kalituhan sa pagsalang ng mga banda sa stage.

Sa Facebook rant ni Jasmine Faye, handler ng bandang Tanya Markova, inirereklamo niya ang sikat na bandang Ben & Ben dahil sa pagsingit nito sa pagsalang sa stage sa campaign rally kamakailan sa Camanava.

Binanggit pa nito ang pagiging late at pagpapa-importante niya sa nasabing event.

“So what I don’t get, bakit ipagpipilitan ni Ben & Ben ang Oras Niya? Oras niyo lang ba ang importante? Kung nasa Rakrakan tayo (which I know di tayo magsame-stage) maiintindihan ko pa kung kailangan niyo masunod ang oras niyo. Kasi bayad tayong lahat don eh, by the contract Talaga lahat. Di niyo po ba nagets na may delay ang program dahil kay VP (Robredo)? Di po ba understandable???” Ayon sa rant ni Faye.

“Kung may next gig kayo with VP maiiintindihan ko naman kung nagsabi kayo. Ang kaso, sabi lang sa akin kaya need nyo mauna ay dahil “from hq” kayo,” dagdag pa sa rant ni Faye.

Banta pa niya, hindi raw sila mananahimik dahil ito raw ang itinuturo ni Robredo sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.

“Kami pang mga bandang sinagasaan niyo ang nasasabihan ngayon na manahimik na lang. Eh di ba kaya nga tumatakbo si VP Leni? Para hindi tayo patahimikin ng gobyerno?” paliwanag pa niya.

Sumang-ayon naman ang isa pang miyembro ng banda na si Carlo Ybañez, ng Hey Moonshine, na present din sa naturang rally at umaming sumama rin ang loob dahil nasingitan din sa pagsalang sa stage.

Normal daw ang singitan sa mga concert lalo na sa kanila na hindi pa gaanong sikat na banda, pero…“That doesn’t make right ang ginawa ng Ben & Ben. Kasi nga lahat tayo volunteers. At pantay-pantay dapat tayo. They should not even attempt,” ani Ybañez.

HIndi naman nakaligtas sa mga netizen ang awayan ng mga banda sa rally ni Leni.

“Ayan, pati mga banda na supporters ni Madumb, nagbabangayan. Kasi nga feeling elitista at pabida, gaya ng kandidata nila,” ayon sa sikat na social media influencer na si Mark Lopez.

“Kung sarili nilang hanay hindi nila maayos gusto pang mamuno sa bansa,” ayon naman sa isang netizen. (ai/mtvn)

Leave a Reply