Boy Abunda sinabing peke at mapanira ang quote card na ginamit kay Vinny Marcos

Boy Abunda sinabing peke at mapanira ang quote card na ginamit kay Vinny Marcos

MANILA — Opisyal na naglabas ng pahayag si television host Boy Abunda upang personal na pasinungalingan ang kumakalat na pekeng ‘quote card’ patungkol sa pahayag ni William Vincent ’Vinny’ Marcos, bunsong anak ng nangungunang presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

“Our attention has been drawn to a false quote card that has been circulating on social media bearing the photo of William Vincent Marcos with a statement allegedly from his interview with Boy Abunda saying that his father, presidential candidate Bongbong Marcos was an addict,” panimulang pahayag ni Abunda sa kanyang FB page post na inilabas pasado alas-5:00 ng Sabado ng hapon.

“The graphic or quote card was posted with the caption, “Sa anak na n’ya galing yan ha. Ngayon nyo sabihin na hindi addict ang kandidato nyo,” and made it appear that the quote therein is from an interview with Boy Abunda. This is false and manipulated content,” sabi pa niya.

“We are aware that a lot of netizens have fallen victim to this malicious form of dangerous information and communication materials, not founded in fact, and has the potential to incite backlash against any guest, host, program or defame their character,” dagdag na pahayag pa ni Abunda.

Dahil dito, nanawagan ang tv sa pulbiko na ihinto ang anumang pag-share ng imbentong istorya.

“We appeal to the public to stop sharing fabricated and unverified information.”

“Thank you. – The Boy Abunda Talk Channel,” pagtatapos pa nito.

Nitong nakalipas na Biyernes, isang peke at mapanirang impormasyon na naman ang inilabas sa social media ng mga kalaban ni Marcos.

Ilan sa mga nag-post nito ay ang Bardagulan FB Page at isang nagngangalang Lea Marie Cruz-Torres na masinsinang tinutugaygayan na ngayon ng mga awtoridad. (ai/mtvn)

Leave a Reply