e-Sabong dapat ipagbawal, kita mula dito napupunta lang sa isang tao — Cayetano

e-Sabong dapat ipagbawal, kita mula dito napupunta lang sa isang tao — Cayetano

Si dating Sen. Alan Peter Cayetano

Akda ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Tahasang sinabi ni senatorial candidate at dating House Speaker at senador Alan Peter Cayetano na kung siya ang tatanungin ay nais niyang ipagbawal ang e-sabong o anumang online gambling sa bansa ngunit kung talagang kailangan ng pera at kita ng pamahalaan ay walang problema subalit kailangang itama ang kita nito.

Binigyan ng Kamara si Atong Ang at ang kanyang Lucky 8 Star Quest ng 25-years na prankisa sa online sabong sa botong 161-2 votes.

Ayon kay Cayetano kung ang pagbabasehan ay ang kasalukuyang kita ng pamahalaan ay kitang-kita na isang tao lamang ang nakikinabang ng kita mula dito.

May pitong (7) lisensyadong e-Sabong operators and nasa bansa ngunit at pinakasikat at pinakamalaki rito ay ang Lucky 8 Star Quest Inc. na nagpapatakbo ng e-Sabong Pitmaster Live.

Isa si Atong Ang sa mga incorporators ng Lucky 8 Star Quest na diumano’y kumikit ang P640-millionkada buwan.

Sa nakalipas na senate inquiry sa e-sabong kamailan, pinangalanan at inirekomenda ni senator Panfilo Lacson ang pitong e-sabong operators partikular na ang Belvedere Vista Corp., Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment And Gaming Technologies, Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corp., Philippine Cockfighting International Inc., at Golden Buzzer, Inc.

Tinukoy ni Cayetano na ang kumikita lamang ay ang mga operators na kung saan sila din lamang ang nagkokontrol sa mga agent o ahente ng naturang operasyon dahil dito luging-lugi ang pamahalaan.

Ikinumpara ni Cayetano ang e-sabong sa lotto na kung saan ang kinikita mula dito ay talagang napupunta sa pamahalaan sa pamamagitan ng direktang pagpunta ng babayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue at ang nagkokontrol sa mga ahenteng may lisenya na mag-operate ng Lotto ay direkta naman sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Tinukoy ni Cayetano na sa loob ng limang taon ay kikita lamang ang pamahalaan ng 7.68 bilyong piso kumpara sa kinikita ng mga e-sabong operators na 36 bilyong piso na kinabibilangan ng P18-B operational expenses at P18-B na net profit.

Ipununto ni Cayetano na walang sinumang malalaking negosyo o negosyante sa bansa ang kayang kumita ng isang bilyong piso sa loob ng isang taon.

Dahil dito iginiit ni Cayetano na kung hindi talaga kaya tanggalin ang naturang e-sabong ay dapat na maging baligtad ang sistema at paraan na dapat ang kumikita ng P36-B ay ang pamahalaan at hindi tanging P7.68-B lamang ang nakukuha nito.

Kaugnay nito, nanawagan si Cayetano sa kanyang mga kapwa kandidato sa iba’t-ibang puwesto na sa sandaling alukin sila ng ilang operator ng e-sabong kapalit ng kanilang pananahimik o pagsuporta sa sandaling sila ay manalo sa puwesto ay huwag naman nilang isaalang-alang ang kapanakan ng bayan.

Inamin ni Cayetano na noong siya ay House Speaker ay mayroong nag-alok sa kanya ng malaking halaga kapalit ang pananahimik ukol sa e-sabong subalit kanya itong tinaggihan.

Aminado naman si Cayetano na mayroong banta sa kanyang buhay ukol sa pagsasalita dito ngunit sanay na siya at mas malala pa noon na ang ilang isyu ng korupsyon sa pamahalaan ang kanyang inilalantad.

Sinabi pa ni Cayetano na pinaalalahanan din siya ng ilan niyang kabigan na manahimik dahil sa bantang hindi siya titigilan upang malaglag sa darating na halalan subalit hindi siya matatakot na magsalita ngunit animado siyang nais niyang manalo.

Tiniyak din ni Cayetano na kanyang kakausaping muli ang Pangulong Rodrigo Duterte upang ipawalinag ang lahat ng kanyang pag-aaral upang maibigay ang tamang datos at impormasyon dahil baka mali ang ibinibigay sa kanya ng mga nakapaligid sa kanya.

Nagbabala rin si Cayetano sa kanyang mga kabigan sa PCSO na maging maingat at pag-aralang mabuti ang kotrata o kasunduang pinasok sa mga e-sabong operator dahil maaari silang maharap sa patung-patong na kaso ng katiwalaian dahil sa naturang kontrata.

Sa huli sinabi ni Cayetano na kawawa ang taong bayan at maliit na mamamyan na nalululong sa naturang online gambling dahil sa ito ay mas masahol pa sa isang naadik sa droga.

Sa kasalukuyan, may dalawa (2) nang pulis ang napabalitang lulong sa e-sabong.

Ang isa ay nahuling naghoholdup na ng mga gasolinahan mula Sta. Cruz, Laguna hanggang sa Sto. Tomas City, Batangas habang ang isa naman ay denimanda matapos lustayin ang pondo ng kanilang police station. (ai/mtvn)

Leave a Reply