NETIZENS: LENI ROBREDO WALANG KARAPATANG GUMAMIT NG SLOGAN NA GOBYERNONG TAPAT!

NETIZENS: LENI ROBREDO WALANG KARAPATANG GUMAMIT NG SLOGAN NA GOBYERNONG TAPAT!

MANILA — Walang tigil ang natatanggap na atake ni Leni Robredo mula sa milyon-milyong netizens dahil sa mga kasinungalingan at pagiging trapo nito para lamang makakuha ng boto sa darating na May 9 elections.

Ang pinakahuling banat sa kanya ng mga netizens ay ang paggamit sa campaign slogan na ‘gobyernong tapat!’

Ayon kay Dina Zaragosa, walang karapatan si Robredo na gamitin ang mga katagang ito dahil mula’t- mula ay sinungaling na ito.

Isa aniya sa kauna-unahang kasinungalingan na ginawa ni Robredo ay ang pagpapalit political color nilang dilaw patungong pink.

“Kung hindi ba naman nuknukan ng sinungaling ang Leni na iyan, bakit nagpapanggap siyang pink eh ultimo mo internal organ niyan kulay dilaw. Tingnan n’yo pati ngipin niyan naninilaw na rin!” sabi naman ni Robin Rodriguez sa kanyang FB account.

Isa rin sa ipinagpuputok ng butse ng mga netizens nang pagtaksilan ni Robredo ang running-mate na si Kiko Pangilinan para lamang tugunan ang isinusulong na Leni at Inday Sara Duterte.

“Una, masakit para kina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang ginawa ni Leni Lugaw. Ikalawa, panay ang atake niya kay President Duterte tapos ngayon para lang makakuha ng boto ay payag na siyang maka-tandem si Sara. Tapat ba ang tawag diyan? Ang tawag diyan, trapo, taksil at walanghiya,” sabi naman ng netizen na si Jocielyn Jimenez.

Wala rin aniyang karapatan na sabihin ni Robredo na tapat siya sa bayan dahil ang ginagawang paghahakot nito ng ‘audience,’ ‘crowd,’ at pagpapanggap na isang political rally ang kanilang music caravan ay halimbawa pa rin ng kasinungalingan.

“Si Leni ang nagpauso ng photoshop sa social media. Si Leni ang nagbabayad ng tig-P500 para lamang may pumunta sa kanyang concert rally. Si Lugaw queen din ang nagdadala ng lobo sa rally para pagkinunan ng drone at aerial shot ay magmukhang ulo ng mga tao ang balloon para nga naman mukhang marami ang pumunta sa kanyang rally at higit sa lahat, si Leni ang nagpauso ng marathon concert ng iba’t ibang banda sa rally para manghikayat ng tao at estudyante pero ang totoo kinakasangkapan sila sa ambisyon niya sa pulitika,” sabi naman ni Lando Rapadas.

Ang masaklap pa ngayon, ayon kay Mrs. Candy Panganiban, pati mga anak nilang menor de edad ay ginagamit ni Leni upang maipakita kunwari sa tao na dinudumog ang kanilang rally. Pero ang totoo, ang mga kabataang tulad ng anak ni Panganiban ay mga minors pa at hindi pa maaaring bumoto.

“Wag n’yang idamay sa kalokohan ang mga batang walang alam. Kung concert, concert lang. Wag nang palabasin na concert tapos iyon pala political rally n’ya! Kung talagang matinong ina siya, dapat alam niyang may tamang panahon para isabak sa pulitika ang mga menor de edad na bata,” sabi pa ni Panganiban.

Dahil dito, marami ring netizens ang nanawagan na ‘wag basta maniwala sa pagpapanggap ni Robredo na tapat sa bayan, dahil ang totoo, batbat ito ng kasinungalingan sa katawan. (ai/mtvn)

Leave a Reply