2 Mobile 5D Learning Hub gumugulong na sa Tanauan City

2 Mobile 5D Learning Hub gumugulong na sa Tanauan City

Nasa featured image si Tanauan City Mayor Angeline “Sweet” Halili (gitna) kasama sina Tanauan City Administrator Rizaldrin Epimaco Magpantay at Ms. Cherrylou D. Repia, Asst. Regional Director-DepEd Region IV-A (kaliwa) sa ribbon-cutting ceremony.

TANAUAN City — Ang kauna-unahan sa buong Pilipinas na Mobile Learning 5D Hub o “mobile classroom ay kasalukuyan nang gumugulong sa iba’t-ibang barangay ng lungsod.

Dalawang unit na bus o “mobile learning” hub ang pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kamakailan sa pangunguna ni Mayor Angeline “Sweet” Halili sa isang simpleng seremonya at pormal ding itinurn-over ang pangangasiwa nito sa pamunuan ng Department of Education (DepEd) Tanauan City.

Si Mayor Angeline “Sweet” Halili ay kumakarera ngayon sa pagka-kongresista ng District 3 ng Batangas.

Ang mga naturang makabagong kagamitan ay pinapagana ng “5D Technology” kung saan maaaring maranasan ng tao ang isang sitwasyon na napakalapit sa realidad o katotohanan. Dahil dito, ang Mobile Learning 5D Hub ay inaasahang tutugon sa pangangailangan ng “21st Ce ntury Learners” ng Tanauan upang maging “globally competitive” saan man sila naroroon.

Naglalaman ito multimedia at interactive modules sa loob ng isang maayos at “conducive learning environment” kung saan maaaring mapag-aralan hindi lamang ang mga asignatura kundi pati rin ang kasaysayan, kultura, heograpiya, at ekonomiya ng lungsod.

Dahil sa mga suliraning hinarap ng lungsod mula sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal at paglaganap ng Covid 19 Pandemic, nakipagsapalaran ang mga guro at mag-aaral sa nakaraang dalawang taon upang masiguro na tuloy-tuloy ang pagkatuto ng mga Tanaueño.

Kaagapay sa naturang turn over ceremony sina Ms. Cherrylou D. Repia, Asst. Regional Director-DepEd Region IV-A (CALABARZON), Mr. Rogelio F. Opulencia, OIC-Schools Division Superintendent of Tanauan, Ms. Rhina O. Ilagan, Assistant Schools Division Superintendent ng DepEd Tanauan City pati rin ang mga pinuno ng iba’t ibang sanggunian nito na sina Mrs. Emma Mendoza ng PTA Federation, Elijah Hennezy Cabrera ng SSG Federation, at Jennica Jaira Sierra ng SPG Federation, upang tanggapin ang naturang Learning Hub. Ibinahagi rin nila ang kanilang token of appreciation sa pamamagitan ng isang Plaque of Recognition para kay Mayor Sweet at sa Lungsod ng Tanauan.

Ang pondo para sa pagbili ng 5D learning Hub ay mula sa Special Education Fund (SEF) na nagkakahalaga ng tig-P44 million.

Ayon kay Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, “the children, who are our future cannot be interrupted, because education is very important to all of us. Whatever we face in the future, we know that we can have something that we actually drive up and we can educate.”

(Nia Bernadette Lanting / CIO Tanauan – Photo Courtesy: Roderick Lanting)/IAmigo

Leave a Reply