Dahil sa dami ng nalululong, pamunuan ng PNP umaksyon na kontra e-Sabong

Dahil sa dami ng nalululong, pamunuan ng PNP umaksyon na kontra e-Sabong

Dahil sa dami ng mga napapabalitang men in uniform mismo ang silang nahuhumaling at naa-adik sa e-Sabong, naglunsad na at regular nang sinusuri ni Manila Police District Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco ang mga cellphone ng kanyang mga kapulisan sa Manila’s Finest.

Ito’y ayon na rin sa direktiba ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang lahat ng unit commanders ay dapat na magsagawa ng regular na pagsisiyasat sa mga mobile phone at iba pang gadgets ng kanilang mga nasasakupan at matukoy ang mga nagsusugal ng ‘e-Sabong’ (online cockfighting) at maiwasan gumawa ng hindi kanais-nais kapag sila ay nalulong sa nasabing sugal.

Kamakailan ay napabalitang may isang pulis na dinispalko ang pondo ng kanilang himpilan dahil ipinantayo niya ito sa e-Sabong habang may isa naman na nag-holdup ng mga gasolinahan sa Laguna at Sto. Tomas City, Batangas upang maipagpatuloy ang paglalaro ng e-Sabong kung saan nangunguna rito ang Pitmaster Live ni Atong Ang.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply